Misa sa mga simbahan na sakop ng Archdiocese ng Cubao suspendido na
Sinuspinde na ng Archdiocese ng Cubao ang misa sa lahat ng simbahan na kanilang nasasakupan.
Simula bukas, March 14 kanselado na ang mga misa sa lahat ng simbahan sa Archdiocese of Cubao para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Inanunsyo ito ni Bishop Honesto Ongtioco ng Diocese of Cubao sa inilabas an pastoral letter.
Hinikayat din ni Ongtioco ang publiko na i-practice ang social distancing.
“There will be no public celebration of Holy Mass in all the parish churches and chapels in the Diocese of Cubao starting tomorrow, March 14, 2020. I hereby grant Dispensation to all our Catholic faithful from their Sunday obligations during the cancellation,” ayon kay Ongtioco.
Isasagawa na lamang ang livestream ng misa sa Facebook Page ng Diocese of Cubao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.