P46B makukulekta ng gobyerno sa ilang power firms sa bansa na may utang sa PSALM

March 13, 2020 - 02:01 PM

Aabot sa P46 bilyong ang makukulekta ng pamahalaan mula sa ilang power firms sa bansa na may matagal ng utang sa Power Sector Assets and Liabilities Management(PSALM).

Resulta ito ng joint hearing ng House Committee on Public Accounts and Accountability at House Committee on Good Government.

Ayon kay Public Accounts Committee Chairman Mike Defensor, malaking tulong ang 46 bilyon na ito para magamit sa priority programs ng gobyerno kabilang na ang pandagdag sa pondo para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa kabila naman ng mga naunang imbitasyon, hindi parin sumali sa joint hearing ang House Committee on Energy na syang dapat may hurisdiksyon sa buong power geneeation industry kung saan ang tumatayong chairman ay si Marinduque Cong. Lord Allan Velasco.

Kabilang sa mga iniimbistigahan ng 2 komite na may utang sa PSALM ang South Premier Power Corporation.

Kaugnay nito, sinabi ni Defensor na hindi na nila hihintayin na umaksyon ang komite ni Velasco sa paniningil sa mga may utang na power firm lalo na sa South Premier.

Nabatid na kabilang sa nangakong magbabayad sa PSALM ang SPPC ng aabot sa P22.6 billion bilang advance sa kanilang monthly payment sa PSALM mula Marso 2020 hanggang Hunyo 2022.

Maliban aniya sa makukuha sa SPPC ay may P23.6B pa ang kokolektahin mula sa iba pang power firms kabilang dito ang Meralco (P15 billion); Northern Renewables Generation Corp.(P4.6 billion); FDC (Filinvest Development Corp.) Misamis Power Corp(P2.6B) at FDC Utilities, Inc. ( P1.2-billion).

TAGS: BUsiness, liabilities, power sector, PSALM, BUsiness, liabilities, power sector, PSALM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.