Dahil sa mga kalituhan na likha ng pagdedeklara ng Malakanyang sa Metro Manila bilang ‘quarantine facility,’ sinabi ni Senator Grace Poe na dapat agad bigyang-linaw ng gobyerno ang lahat ng mga hakbangin na nakasaad sa resolusyon.
Ayon kay Poe, kinikilala naman niya ang pagsusumikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 para maiwasan ang public health crisis.
Aniya, kailangan lang talaga na maging malinaw ang mga inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang kalituhan at mas maging epektibo ang pagpapatupad.
Kailangan lang din, ayon pa kay Poe, na matiyak na hindi maaabala ang public utility services.
Pagdiiin ng senadora sa panahon ngayon, kailangan garantisado ang suplay ng malinis na tubig, sapat na suplay ng pagkain, tamang impormasyon at maasahan na komunikasyon at public transport system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.