Hotels, baka puwedeng gamitin na quarantine centers – Sen. Binay
Hinimok ni Senator Nancy Binay ang Department of Health (DOH) na pag-aralan at ikonsidera ang paggamit sa mga hotel na quarantine centers sakaling lumaganap ang Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay Binay, hindi malayong mangyari na dumami ang bilang ng may taglay ng COVID-19 maging ang mga itinuturing na ‘persons under investigation’ o PUI at maaring hindi sila kayanin ng mga lokal na ospital.
Diin nito, kailangan ngayon pa lang ay paghandaan na ng LGUs ang lahat ng posibilidad at kabilang na ang pagtatalaga ng quarantine center para sa isolation ng mga pasyente.
Binanggit nito ang ginawa ng pamahalaang-panglalawigan ng Albay, na itinalaga ang isang hotel sa Tabaco City bilang quarantine center para sa mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Binay, kung may controlled quarantine facility ay mababawasan ang posibilidad ng community transmissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.