Magkakasunod na pagyanig naitala sa Davao Occidental

By Dona Dominguez-Cargullo March 13, 2020 - 05:29 AM

Niyanig ng magkakasunod na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.3 na lindol sa layong 123 kilometers southeast ng Jose Jose Abad Santos alas 2:39 ng umaga ngayong Biyernes, March 13.

Sinundan ito ng magnitude 3.5 na ang epicenter ay sa 163 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Jose Abad Santos alas 2:42 ng madaling araw.

2:56 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 143 kilometers southeast ng Sarangani.

At nasundan ito ng 3.5 magnitude na pagyanig sa 198 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani alas 3:37 ng madaling araw.

Pawang wala namang naitalang intensities bunsod ng magkakasunod na lindol.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala ang mga ito.

TAGS: Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, Jose Abad Santos, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sarangani, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao Occidental, earthquake, Inquirer News, Jose Abad Santos, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sarangani, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.