Mayor Malapitan, kinumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa Caloocan City

By Angellic Jordan March 12, 2020 - 07:52 PM

Kinumpirma ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang unang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Caloocan City.

Ayon sa alkalde, kabilang ang residente ng lungsod sa unang inilabas na listahan ng Department of Health (DOH) hinggil sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, naka-confine aniya ang pasyente sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Nilinaw naman ni Malapitan na nailagay ng DOH na residente ng Maynila ang pasyente dahil ginamit nito ang address ng kaniyang anak.

Agad namang ipinag-utos ng alkalde ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Iniutos na rin ni Malapitan ang pansamantalang paghinto ng operasyon ng mga commercial establishment malapit sa tirahan nito.

Muli namang nanawagan ang alkalde sa mga taga-Caloocan na huwag mag-panic at patuloy ang pagsasagawa ng proper hygiene para makaiwas sa virus.

TAGS: COVID-19, COVID-19 case in Caloocan, Mayor Oca Malapitan, COVID-19, COVID-19 case in Caloocan, Mayor Oca Malapitan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.