Apat na kongresita sumasailalim sa self-quarantine

By Erwin Aguilon March 12, 2020 - 07:06 PM

Umakyat na sa apat na kongresista ang sumasailalim sa self-quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, dalawang kongresista na dumalo sa inspeksyon ng NLEX-SLEX harbour link ang nag-self quarantine na.

Wala naman anyang sintomas ng sakit ang mga hindi nito pinangalangang mambabatas.

Sa nasabing okaysyon, isa sa dumalo ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa isang text message, sinabi ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na sumailalim na siya sa self-quarantine matapos dumalo sa event.

Sinabi naman ni dating Navotas Representative at ngayon ay Navotas Mayor Toby Tiangco, siya at ang kanyang kapatid na si Rep. John Rey Tiangco at kanilang vice mayor ay nag-self quarantine na rin dahil sa pagdalo sa inspeksyon sa proyekto.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ni Iloilo City Rep. Julienne “JamJam” Baronda, bagamat wala siyang nararamdamang sintomas ng Coronavirus ay sasailalim na siya sa self-quarantine bilang pagsunod sa health standard precautionary measures ng mga otoridad.

Paliwanag ni Baronda, nitong March 9 ay nakipagpulong siya kay Budget and Management Sec. Wendel Avisado at March 10 naman ay nakasama naman nito si Transportation Sec. Arthur Tugade at ang team nito.

Sina Avisado at Tugade ay ilan lamang sa mga government official na sumailalim na sa self-quarantine dahil nakasalamuha ng mga ito ang isang opisyal na nagpositibo sa COVID-19.

Nauna nang sumailalim sa self-quarantine si Davao City Rep. Isidro Ungab matapos na makasalamuha noong March 11 sa Senado si Senator Sherwin Gatchalian na na-expose sa isang resource person sa hearing na positive pala sa COVID-19.

TAGS: COVID-19, House Secretary General Jose Luis Montales, Rep. Julienne "JamJam" Baronda, self quarantine, COVID-19, House Secretary General Jose Luis Montales, Rep. Julienne "JamJam" Baronda, self quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.