Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 52 – DOH
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), tatlo pang pasyente ang nag-positibo sa sakit.
Dahil dito, umabot na sa 52 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon pa sa kagawaran, ang patient number 50 o PH50 ay isang 69-anyos na babaeng Filipino.
Wala itong travel history ngunit nakitaan ng sintomas ng sakit ang pasyente noong March 8.
Naka-admit ang pasyente sa The Medical City.
Samantala, isang 26-anyos na lalaking Filipino naman ang PH51. Wala rin itong travel history.
Naka-confine ang pasyente sa Makati Medical Center.
Isang 79-anyos na babaeng Filipino naman ang PH52 sa bansa.
Sinabi ng DOH na mayroon itong travel history galing United Kingdom.
Nagsimula itong makitaan ng sintomas noong March 1 makaraang magpakonsulta.
Kapwa lumabas ang resulta ng pagsusuri sa tatlong pasyente na positibo sa sakit noong March 11.
Matatandaang inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) na itinuturing na bilang pandemic ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.