Kongreso dapat magdaos ng special session dahil sa COVID-19; Lockdown sa NCR, muling iginiit ni Rep. Salceda

By Erwin Aguilon March 12, 2020 - 05:17 PM

Hinimok ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda si Pangulong Rodrigo Duterte at ang liderato ng Kamara na magpatawag ng special session ang Kongreso para talakayin ang special powers at funding adjustments na kinakailangan para labanan ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa kanyang aide memoire, sinabi ni Salceda na hindi maaring naka-recess ang Kongreso habang may national crisis.

Ito’y lalo’t mayroong mga polisiya na mangangailangan ng papel ng Kongreso gaya ng pagbibigay ng special powers sa Presidente at paglalaan ng pondo.

Maari aniyang magtalaga si Speaker Alan Peter Cayetano ng small group na bubuo ng legislative measures para maiwasan ang mass transmission, ma-contain ang sakit at maibsan ang epekto nito sa ekonomiya.

Maari din naman na pansamantalang amyendahan ang House rules para bigyang daan ang virtual meetings at virtual voting para mapairal ang social distancing.

iginiit din ni Salceda ang kanyang naunang rekomendasyon na magkaroon ng lockdown para agapan ang pagtaas ng bilang ng mahahawa ng virus.

Binanggit nito na base sa pagtaya ng kanyang opisina, kapag hindi nagpatupad ng lockdown ay posibleng umabot sa 50,300 ang COVID-19 cases pagbalik ng sesyon sa May 4.

TAGS: 18th congress, COVID-19, lockdown in NCR, Rep JOey Salceda, special session due to COVID-19, 18th congress, COVID-19, lockdown in NCR, Rep JOey Salceda, special session due to COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.