Ilan pang senador, sumailalim sa self-quarantine
Sumailalim na rin sa self-quarantine ang iba pang senador.
Sa abiso ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, boluntaryo silang sasailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 na araw.
Wala naman aniya siyang exposure sa Coronavirus Disease o COVID-19 patient na nagtungo sa Senado noong March 5.
ngunit, maikokonsidera aniya siya bilang 2nd generation person makaraang makasalamuha sina Senators Sherwin Gatchalian at Nancy Binay noong March 6, 9 at 11.
Samantala, boluntaryo na lang nag-self quarantine si Sen. Bong Revilla.
Sa kaniyang pahayag, sinabi nito na seatmate niya si Gatchalian sa Senado.
Maliban sa idinaos na sesyon noong Lunes, nagkasama pa aniya sila ni Gatchalia sa kaniyang opisina noong March 11 kabilang sina Sen. Sonny Angara at Mayor Sara Duterte.
Wala naman aniya siyang sintomas ng sakit ngunit nagdesisyon na rin siyang sumailalim sa quarantine bilang pag-iingat simula Miyerkules ng gabi.
“Sa panahong ito, mahalaga na maging self-aware hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kapwa,” ayon pa kay Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.