Viking cruise line nagsuspinde na ng lahat ng kanilang mga biyahe dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 01:08 PM

Suspendido na ang lahat ng biyahe ng mga barkong pag-aari ng Viking Cruises dahil sa COVID-19 scare.

Ayon sa chairman ng Viking Cruises na si Torstein Hagen, suspendido na muna ang lahat ng kanilang ocean at river cruise operations hanggang sa May 1, 2020.

Ang hakbang ay para maiiwas sa sakit na COVID-19 ang kanilang mga pasahero,

Pinadalhan na ng abiso ang mga pasaherong naka-book ngayon sa Vikings.

Ayon kay Hagen, pangunahin nilang prayoridad ang kapakanan ng kanilang guests.

Ang Viking River Cruises ay mayroong mga biyahe sa iba’t ibang bahagi ng Europe, Russia, Ukraine, Asia, at Egypt.

Ang kanilang Ocean Cruises naman ay may biyahe sa Scandinavia & Baltic, The Americas & Caribbean, Mediterranean, Quiet Season Mediterranean, Asia & Australia.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Viking Cruises, vikings cruise line, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Viking Cruises, vikings cruise line

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.