Alcohol na pwedeng bilhin ng mamimili lilimitahan lang sa dalawa
Inatasan ng Department of Trade and Industry ang mga retailer na limitahan ang mga mamimili sa tig-2 bote lang ng alcohol.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi na pwedeng lumagpas sa dalawa ang pwedeng bilhin sa supermarkets at mga grocery stores.
Layon nitong maiwasan ang pagkakaroon ng panic buying sa alcohol.
Anuman ang size ng alcohol na bibilhin ay dapat dalawang bote lamang kada mamimili.
Tiniyak din ni Castelo na parurusahan ang sinumang mapapatunayan na nananamantala sa presyo ng alcohol.
Ayon sa DTI, walang dahilan para mag-panic buying ang publiko dahil sapat ang suplay ng alcohol sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.