Pasok sa mga tanggapan ng LTFRB suspendido bukas
Nagsuspinde ng pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bukas, Biyernes, March 13.
Bahagi ito ng precautionary safety measure laban sa paglaganap ng COVID-19.
Sa abiso ng LTFRB, walang pasok sa kanilang Central Office sa Quezon City,LTFRB-NCR, at lahat ng Regional Franchising Regulatory Offices bukas.
Lahat ng official government transactions na may kaugnayan sa LTFRB ay sa Lunes na ipoproseso.
Kasabay nito hinimok ng LTFRB ang lahat ng staff nila, stakeholders, operators, drivers, at ang riding public na panatilihin ang pangangalaga sa personal hygiene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.