Mayor Sara Duterte nag self-quarantine na rin dahil sa COVID-19

By Chona Yu March 12, 2020 - 08:56 AM

Sasailaim sa voluntary home quarantine si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos makasalamuha kahapon ni Sara Duterte si senador Sherwin Gatchalian sa isang lunch meeting na nagkaroon naman ng encounter sa isang pasyente na nag positibo sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Sara, nag sign up na siya bilang person under monitoring sa Davao City Health Office.

Ayon kay Mayor Sara, mayroon din siyang empleyado sa kanyang bahay na may sakit at nakalista na bilang person under monitoring.

Bagamat walang flu like symptoms, nagpasya na ang alkalde na mag self-quarantine para masiguro maprotektahan ang iba.

Naka confine ngayon si Mayor Sara sa isang isolated bedroom sa kanyang bahay pero patuloy pa rin naman na gagampanan ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng e-mail, messaging, video teleconference o text o tawag sa kanyang telepono.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sara Duterte, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Sara Duterte, self quarantine, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.