11 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag
Patuloy pa ring nakakapagtala ng aktibidad sa Bulkang Taal.
Base sa volcano bulletin ng Phivolcs alas 8:00 ng umaga, naitala ang 11 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Maliban dito, patuloy din ang pagbubuga ng steam-laden plumes at sa magdamag at umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas nito.
Nananatili pa rin ang bulkan sa Alert Level 2.
Sinabi ng Phivolcs na posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs na makapasok ang sinuman sa Taal Volcano Island at sakop ng permanent danger zone ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.