DOTr Sec. Tugade sasailalim din sa self-quarantine
Sumailalim na rin sa self-quarantine si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade.
Ayon kay DOTr Assistant Sec. Goddes Libiran, nagkaroon ng exposure si Tugade sa isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Ani Libiran, noong nakaraang linggo pa nangyari ang exposure ni Tugade pero kahapon lang nakumpirma na ang pasyente ay positibo sa COVID-19.
Tiniyak din ni Libiran na magpapasailalim si Tugade sa COVID-19 test kung kakailanganin.
Maliban kay Tugade si Finance Sec. Carlos Dominguez III ay nauna nang nag-anunsyo na siya ay magse-self quarantine.
Si Dominguez kasi ay nakipagkamay sa isang pasyente na nagpositibo rin sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.