Denmark nagpatupad na rin ng lockdown dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2020 - 06:53 AM

Nagpatupad na ng lockdown sa bansang Denmark dahil sa COVID-19.

Wala pang naitatalang nasawi sa Denmark dahil sa sakit pero umabot na sa 514 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Iniutos ni Denmark Prime Minister Mette Frederiksen, ang pagsasara ng lahat ng paaralan mula sa mga kindergarten hanggang sa mga unibersidad.

Hinimok ang mga pribadong sektor na magpatupad na lamang ng work from home sa kanilang mga empleyado.

Ipinagbawal na rin ang pagdaraos ng lahat ng uri ng indoor events na mayroong 100 o higit pa na dadalo.

Ang Denmark ang ikalawang bansa sa Europa na nagpatupad ng lockdown dahil sa COVID-19.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, Demark, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Prime Minister Mette Frederiksen, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, Demark, department of health, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Prime Minister Mette Frederiksen, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.