WHO idineklara nang “pandemic” ang COVID-19
Idineklara na ng World Health Organization (WHO) na pandemic ang COVID-19
Ayon sa WHO, sa kanilang assessment labis nang nakaaalarma ang paglaganap ng sakit.
“WHO has been assessing this outbreak around the clock and we are deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity, and by the alarming levels of inaction,” ayon sa WHO.
Sinabi ng WHO na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit.
Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level.
Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi din ang deklarasyon kalaunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.