Bakuna sa mga senior citizen, dapat nang ipagkaloob

By Erwin Aguilon March 11, 2020 - 06:23 PM

Inatasan ni Senior Deputy Minority Leader Janet Garin ang Department of Health (DOH) na magsagawa na ng vaccination para sa mga senior citizen.

Ayon kay Garin, sa ilalim ng batas ay kada taon isinasagawa ng flu vaccine sa mga nakatatanda.

Ang pneumonia vaccine naman aniya ay itinuturok pagsapit ng 60 taong gulang ng senior citizen at kada limang taon matapos ito.

Mayroon aniyang bakuna rito na nasa pangangalaga ng DOH pero kapag tinanong sa mga Regional Health Unit ng kagawaran ay wala sila nito.

Kaya sabi ni Garin na dating Health chief, kailangan na itong ipamahagi kaysa naman ma-expire ang mga ito.

Paliwanag pa niya, makatutulong ito sa mga nakatatanda bilang sila ay prone sa kinatatakutang COVID-19.

TAGS: doh, flu vaccine, Rep. Janet Garin, senior citizen, doh, flu vaccine, Rep. Janet Garin, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.