PBA kinansela na ang lahat ng laro dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2020 - 10:51 AM

Kinansela na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang lahat ng naka-schedule na game epektibo ngayong araw, March 11.

Ayon sa pahayag ng liga, nagdaos ng special meeting kagabi ang PBA Board of Governors at ito ang napagpasyahan.

Sakop ng kanselasyon ang lahat ng laro sa PBA Philippine Cup at PBA D-League Aspirants Cup pati na ang mga aktibidad sa inagurasyon ng PBA 3×3.

Ayon sa PBA, pangunahing concern nito ang kalusugan at kaligtasan ng PBA fans, mga manlalaro, teams, officials at staff.

Magsasagawa ng assessment ang liga hinggil sa epekto ng COVID-19 sa bansa batay sa mga alituntunin at abiso ng DOH at WHO.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, game suspension, Health, Inquirer News, PBA, PBA D-League Aspirants Cup, PBA Philippine Cup, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, game suspension, Health, Inquirer News, PBA, PBA D-League Aspirants Cup, PBA Philippine Cup, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.