GMA network, hindi na rin muna tatanggap ng live studio audience dahil sa COVID-19

By Angellic Jordan March 10, 2020 - 10:12 PM

Pansamantala na ring sinuspinde ng GMA Network ang pagtanggap ng live studio audience sa kanilang mga programa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng TV network na ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Suspendido muna ang pagtanggap ng live studio audiences sa programang All-Out Sundays, Centerstage, Mars Pa More, Wowowin, Wowowin Primetime, Idol sa Kusina, The Boobay and Tekla Show, Sarap ‘Di Ba? at Tonight With Arnold Clavio.

Dagdag pa ng istasyon, “on hold until further notice” ang lahat ng external activities ng TV network sa Metro Manila.

Layon anila nitong makatulong na matiyak ang kaligtasan ng lahat ng bahagi ng GMA Network.

Bahagi rin anila ito ng kooperasyon ng istasyon sa aksyon ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Hinikayat naman ng GMA network ang publiko na manatiling kalmado at sumunod sa mga opisyal na abiso ng mga otoridad.

TAGS: COVID-19, gma network, live studio audience, COVID-19, gma network, live studio audience

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.