Special session handang isagawa ng Kamara para labanan ang COVID-19
Handa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magsagawa ng special session kung kakailanganin upang matugunan ang pangangailangan sa Corononavirus Disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, magtatrabaho ang Kamara sa susunod na limang linggo sa kabila ng kanilang Holy Week break.
Sabi ni Cayetano, tiniyak sa kanya ni Majority Leader Martin Romualdez na magtatrabaho pa rin ang mga komite at kung kakailanganin ay magsasagawa ng special session para sa labanan ang COVID-19 at pagtugon sa health concerns ng mga nagkasakit at posibleng mahawa pa ng virus.
Isa rin sa mga dapat tutukan ng Kamara ang kabuhayan, turismo at ekonomiya na higit na maaapektuhan dahil sa COVID-19.
Nauna nang inaprubahan ng House Appropriations Committee ang substitute bill para sa P1.65 bilyong supplemental budget para tugunan ang laban sa virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.