DOH, nilinaw na 33 lang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nasa 33 lamang ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa isang press conference, sinabi ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire na siyam ang nadagdag na bilang ng kaso ng sakit sa bansa.
Nilinaw nito ang naunang napaulat na nasa 11 ang nadagdag na kaso.
Samantala, sinabi ni Vergeire na walang nasawi sa mga naitalang bagong kaso ng sakit.
Stable naman aniya ang kondisyon ng 4th, 5th, 9th at 10th case sa bansa.
Dagdag pa nito, isa sa mga posibleng dahilan kung bakit sa Metro Manila naitatala ang karamihan sa COVID-19 cases sa bansa ay dahil nasa NCR aniya ang karamihan sa mga port of entry sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.