DILG inatasan ang PNP, LGUs at barangay officials na tiyaking mananatili sa kanilang mga bahay ang mga bata habang suspendido ang klase
Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), lahat ng Metro Manila mayors at lahat ng opisyal ng mga barangay na tiyaking walang bata na makikita sa mga pampublikong lugar o matataong lugar.
Kasunod ito ng deklarasyon ng suspensyon ng klase ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang March 14.
Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, iniutos ng pangulo ang pagtitiyak na walang mga bata ang makikita sa matataong lugar sa kasagsagan ng class suspension.
Sinabi ni Año na base sa pahayag ng Department of Education (DepEd) bibigyan naman ng homework ang mga mag-aaral habang walang pasok.
Kasabay nito, inatasan ni Año ang mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang mga mass gathering.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.