MV Grand Princess nakadaong na sa Oakland
Matapos na ilang araw na manatili sa karagatan ng California ay nakadaong na rin sa pantalan sa Oakland ang MV Grand Princess.
Ayon kay US Vice President Mike Pence, agad nilang tinignan ang kalagayan ng 25 mga bata na kabilang sa pasahero ng barko.
Pawang nasa maayos aniyang kondisyon ang lahat ng mga bata.
Ang 21 naman na nagpositibo sa COVID-19 ay pawang isolated ayon kay Pence.
Pagdating ng pantalan ay nakaabang na ang nasa 20 mga bus at ambulansya.
Ngayong araw sisimulan na ang pagpapababa sa mga pasahero at unang pabababain ng barko ang mga residente ng California.
Tiniyak ni Pence na sasailalim sa serye ng tests ang mga pasahero habang isinasagawa ang proseso ng disembarkation.
Sakay ng barko ang libu-libong mga pasahero mula sa 54 na mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.