Higit pisong rollback sa presyo ng gasolina at kerosene epektibo na
Nagpatupad ng mahigit pisong bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
P1.20 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, P1.05 sa kada litro ng kerosene at 75 centavos naman ang bawas sa kada litro ng diesel.
Epektibo alas 6:00 ngayong umaga ng Martes (March 10) ang rollback ng kumpanyang Petron, Flying V, at Shell.
Ang kumpanyang PTT, Total, at Petro Gazz ay may parehong halaga ng bawas sa kanilang gasolina at diesel.
Habang ang SeaOil ay nauna nang nagpatupad ng rollback kahapon ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.