Buong Italy isinailalim na sa lockdown dahil sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2020 - 05:54 AM
Pinalawig pa ang ipinatutupad sa Italy at sakop na ngayon ang buong bansa.
Ito ay kasunod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Italy na na umabot na sa mahigit 9,000 kung saan 463 ang nasawi.
Ayon kay Italian Prime Minister Giuseppe Conte, bawal na rin ang lahat ng uri ng public events sa Italy.
Sa Lombardy na pinaka-apektadong lugar sa Italy, punuan na ang mga ospital at napipilitan nang magsagawa ng intensive care service sa mga corridor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.