Honeylet Avanceña, hinimok si Pangulong Duterte na iwasang humarap sa maraming tao
Hinihimok ni Ginang Honeylet Avanceña ang kanyang partner na si Pangulong Rodrigo Duterte na umiwas na munang humarap sa maraming tao.
Pahayag ito ni Avanceña sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Avanceña, bilang nurse at may bahay ng pangulo, mas makabubuting tiyakin ang kaligtasan ng punong ehekutibo.
Sinabi naman ni Avanceña na wala namang problema sa pangulo dahil madali itong painumin ng Vitamin C para lumakas ang resistansya.
Ayon kay Avanceña, mas mabuti na ang “an ounce of prevention is better than a pound of cure.”
Una rito, sinabi ni Presidential Security Group (PSG) commander Colonel Jesus Durante sa Radyo Inquirer na ipatutupad nila ang ‘no touch policy’ sa pangulo para makaiwas sa COVID-19.
Pero ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, hindi ito susundin ng pangulo dahil ayaw niyang matakot ang tao sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.