LOOK: Mga pampublikong paaralan sa Pasay City, isinailalim sa disinfection vs COVID-19
Isinailalim sa disinfection ang mga pampublikong paaralan sa Pasay City.
Ito ay kasunod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa ibinahaging larawan ng Pasay Public Information Office (PIO), makikitang personal na pinangasiwaan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang isinagawang pag-disinfect sa mga eskuwelahan para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ilan sa mga inikot ng sanitation team ang Padre Zamora Elementary School at City University of Pasay.
Ayon sa alkalde, lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod ay makatatanggap ng mga sprayer at organic disinfectant.
Ipinag-utos din ni Calixto-Rubiano sa mga eskwelahan ang lingguhang paglilinis at pag-disinfect para matiyak ang kaligtasan sa mga mag-aaral, guro at lahat ng pumupunta sa paaralan.
Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Pasay sa araw ng Lunes, March 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.