North Korea nagpakawala ng tatlong projectiles
Tatlong hindi pa tukoy na uri ng projectiles ang pinakawalan ng North Korea.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng Seoul, ang tatlong projectiles ay pinakawalan mula sa bahagi ng Sondok.
Pinaniniwalaang uri ng ballistic missiles ang pinakawalan ng Pyongyang.
Tiniyak naman ng South Korean military na binabantayan nito ang mga susunod pang hakbang ng NoKor.
Ang magkakasunod na namang aktibidad sa Pyonyang ay posible umanong bahagi ng testing na ginagawa ni North Korean Leader Kim Jong un para masiguro ang kakayahan ng kanilang pasilidad at pwersa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.