Unang kaso ng ASF sa San Fernando, La Union naitala
Naitala ang unang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa San Fernando, La Union.
Kinumpirma ito batay sa inilabas na pahayag ni Mayor Alfredo Pablo Ortega.
Ayon sa alkalde, naitala ang unang kaso sa bahagi ng Barangay Cadaclan.
Nagsasagawa na aniya ang lokal na pamahalaan, katuwang ang Department of Agriculture (DA) at Provincial Governmnt ng La Union, ng precautionary steps para ma-control ang pagkalat ng naturang sakit sa baboy.
Kabilang na dito ang pre-emptive culling sa mga baboy sa ground zero at mga lugar na pasok sa one-kilometer radius nito.
Sinabi pa ni Ortega na nagdaragdag na ng hygiene kits at binigyan ng financial assistance ang mga apektadong hog raiser.
Tiniyak din ng alkalde na lahat ng itinitindang baboy sa Auxiliary Wet Market ay maiging ininspeksyon ng City Veterinarian Office.
Inabisuhan naman ni Ortega ang publiko na ugaliin ang proper food handling, manatiling kalmado at iwasan ang pagkakalat ng mga maling impormasyon.
“Rest assured that your City Government will do everything it can to address this issue,” dagdag ni Ortega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.