No work, class suspension kahit Code Red na ang Pilipinas sa COVID-19

March 08, 2020 - 03:28 PM

Hindi magsususpinde si Pangulong Rodrigo Duterte ng trabaho sa mga tanggaan ng gobyerno maging ng klase sa mga esklwehan.

Ito ay kahit na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang State of Public Health Emergency at nasa Code Red na ang bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi naman crowded o matataong lugar ang mga tanggapan ng gobyerno.

Nasa lokal na pamahalaan na ang pagpapasya kung magsususpinde ng klase kung sa tingin nila ay may pangangailangan.

Hindi pa naman aniya umaabot sa punto na kinakailangan na mag-panic ang pamahalaan sa COVID-19.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na walang balak si Pangulong Duterte na limitahan ang public engagement.

Ayon kay Panelo, marami pang nakapilang schedule na aktibidad si Pangulong Duterte at wala pa namang kinakansela.

Wala rin aniyang balak ang Palasyo na magpatupad ng lockdown sa Malacañang complex.

Hindi rin naman crowded ang Malakanyang.

TAGS: COVID-19, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, COVID-19, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.