Publiko, pinaalalahanan ng Globe vs phishing e-mails ukol sa COVID-19
Nagbabala sa publiko ang Globe Telecom Inc. ukol sa phishing e-mails o mga malisyosong kampanya para samantalahin ang sitwasyon ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kumpanya na layon ng phishing e-mails na magnakaw ng pera o personal at corporate information.
Dahil dito, naglabas ang Globe ng cybersecurity measures para makaligtas sa scams:
– Huwag buksan ang mga malisyosong e-mail attachment o link
– Basahin nang maigi ang e-mails at text messages. Tignan kung mayroong red flags tulad ng generic greetings, spelling at grammatical errors
– Mag-ingat sa e-mails o text messages na humihingi ng personal na impormasyon, account credentials o PIN
– Siguraduhing kukuha lamang ng mga balita at impormasyon sa mga mapagkakatiwalaang news site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.