Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan

By Angellic Jordan March 08, 2020 - 02:04 PM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, nasa 201.32 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Mas mababa ito kumpara sa 201.48 meters noong Sabado.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 100.02 meters gayundin ang La Mesa Dam na nasa 77.12 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Bukod tangi namang nadagdagan ang antas ng tubig sa Ambuklao Dam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.