20 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
Nakapagtala ng 20 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sa volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na patuloy pa rin ang pagbuga ng steam-laden plumes sa bulkan na may taas na 100 metro.
Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Nagbabala naman ang Phivolcs na posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ng ahensya ang pagpasok sa Taal Volcano Island, at Permanent Danger Zone nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.