DOH, inirekomenda sa Malakanyang ang pagdedeklara ng State of Public Health Emergency bunsod ng COVID-19
Inirekomenda ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa bansa bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng kagawaran sa unang kaso ng local transmission ng sakit sa bansa.
Sa press conference, inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na itinaas na ang COVID-19 alert system sa CODE RED sub level 1.
Ani Duque, isa sa mga dahilan nito ang dalawang naitalang kaso ng localized transmission ng virus sa bansa.
Layon niya nito na matiyak na magiging handa ang mga local government unit (LGU) at ospital sa posibleng pagtaas pa ng hinihinalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.