Empleyado ng isang kumpanya sa BGC, Taguig nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 07, 2020 - 09:04 AM

Kinumpirma ng isang kumpanya sa Bonifacio Global City, Taguig na isang empleyado nila ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag ng kumpanyang Deloitte, isang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19 at nagpapagaling sa ospital.

Sasailalim din ang pasyente sa karagdagan pang tests.

Tiniyak ng Deloitte na ibinibigay nito ang karampatang suporta sa pasyente at pamilya nito.

“We can confirm that a colleague in our Deloitte Philippines office has tested positive for COVID-19. The colleague is currently in hospital receiving treatment and further tests, and Deloitte is supporting the colleague and family in every way we can,” ayon sa Deloitte.

Sinabi ng kumpanya na pangunahing prayoridad nila ang kalusugab at kaligtasan ng kanilang mga empleyado at kliyente.

Tiniyak din nito ang pagsunod sa mga alituntunin ng Department of Health.

Gumawa na rin ng hakbang para matukoy ang mga nagkaroon ng direct contact sa infected na empleyado.

TAGS: BGC, covid19, Dating DOH Sec. Janette Garin, deloitte, Health, taguig, BGC, covid19, Dating DOH Sec. Janette Garin, deloitte, Health, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.