Vatican nakapagtala na rin ng kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 06:09 PM
May naitala na ring kaso ng COVID-19 sa Vatican.
Ito ay makaraang magpositibo sa naturang sakit ang isang pasyente.
Ayon kay Vatican Spokesman Matteo Bruni, nagpatingin sa outpatient services ng Vatican ang pasyente.
Dahil dito sinuspinde muna ang operasyon ng outpatient services ng kilinika at isinailalim ito sa sanitation.
Nagpatuloy naman ang operasyon ng emergency services nito.
Naipaalam na rin ng Vatican sa Italian health authorities ang pagkakaroon ng unang kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.