Greenhills Mall nagpatupad na ng precautionary measures matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang lalaki na madalas nagtutungo sa Muslim prayer hall
Nagpatupad ng precautionary measures ang management ng Greenhills Mall.
Ito ay matapos makumpirma na ang ikalimang positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay isang 62 anyos na Pinoy at madalas nasa Muslim prayer hall sa Greenhills sa San Jaun.
Sinabi ng Greenhills Management na gumagawa na sila ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng kanilang tenants at mga empleyado.
Nakikipag-ugnayan na din ang management ng mall sa Department of Health (DOH) at sa City Government ng San Juan.
Kasabay nito, inabisuhan ng Greenhills Mall ang kanilang mga tenant at empleyado na agad ipaalam sa mga otoridad kung sila ay makararanas ng sintomas ng flu.
Maaring tumawag sa DOH Hotline na 86547800 loc 1149 – 1150.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.