P100B Rice Tarrification Fund itinulong sa mga magsasaka – Sen. Villar
Umaabot na sa P100 bilyon ang tulong na naibibigay sa mga lokal na magsasaka kasabay nang isang taon na pagpapatupad ng Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law.
Ito ang ibinahagi ni Sen. Cynthia Villar at aniya noong nakaraang taon ay nakatanggap na ang mga magsasaka ng punla at pautang na susundan naman ng mga gamit sa pagsasaka.
Bukod sa P10 bilyon na Rice Competitiveness Enhance Fund, pinautang din ang mga magsasaka ng P15,000 na maari nilang bayaran sa loob ng walong taon ng walang interes.
Bukod pa dito ang ang P3 billion unconditional cash assistance sa mga 600,000 magsasaka na nagmamay-ari o nagsasaka ng isang ektaryang lupain o mas maliit pa.
Naglaan din aniya ang National Food Authority ng P7 bilyon para ipambili ng palay ng mga magsasaka at P31 bilyon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang ipinambili naman ng mga bigas mula din sa mga lokal na magsasaka
Hiwalay din na P7 bilyon mula sa National Rice Program ang ipinambili ng mga hybrid seeds, fertilizer at irrigation projects gayundin ang kabuuang P47 billiion mula sa National Irrigation Administration, Philmech at mga ginawang farm to market roads.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.