Pamahalaan handa sakaling kailangang ilikas ang mahigit 500 Pinoy sa MV Grand Princess
By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 03:51 PM
Nakahanda ang pamahalaan na ilikas ang mahigit 500 Pinoy na lulan ng MV Grand Princess na pinipigil ngayon sa karagatan ng California.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kung magkakaroon ng request para sa repatriation ay aaprubahan ito ng gobyerno.
Kabilang sa 3,500 na sakay ng barko ang mahigit 500 Pinoy crew.
Pinigilan ang barko na makadaong sa San Francisco matapos masawi sa California ang isang naging pasahero nito.
Mayroon nang 35 sakay nito na nakitaan ng flu-like symptoms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.