Mahigit P100M na halaga ng droga nakumpiska ng PDEA sa Cavite
Aabot sa P102 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug buy-bust operation sa sa panulukan ng Aguinaldo Highway at Molino Blvd,. Barangay Talaba 4, Bacoor City, Cavite.
Naaresto sa operasyon ang dalawang lalaki at isang babae na kinilala lamang na sina alyas Boy, alyas Dan at alyas Ana.
Nakumpiska sa tatlo ang 15 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid pa sa tea bags na may street value na P102 million.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino modus ng ilegal na transakyon ay ipa-park at iiwan ng pusher ang saksakyan sa isang lugar.
Sa pamamagitan naman ng duplicate ng susi ng sasakyan iiwan ng main source ang ilegal na droga sa loob ng sasakyan.
Lumabas din aniya sa imbestigasyon na si alyas Boy ang main source ng shabu sa Cavite, sa buong Region 4-A, NCR area, at Zamboanga City.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naarestong suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.