DOH, dapat na tulungan ang mga pribadong ospital na makakuha ng Zika virus testing kits.

By Isa Avendaño-Umali February 04, 2016 - 07:15 PM

ZIKAHinimok ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian ang Department of Health na tulungan na ang mga pribadong ospital na makakuha ng testing kits para sa Zika virus.

Ito’y bunsod ng ulat na nagkakaubusan na raw ng suplay ng testing kits matapos ang deklarasyon ng World Health Organization na banta ang Zika virus sa global health.

Ayon kay Gatchalian, mahirap bilhin ang testing kits para sa Zika virus, kaya dapat aniyang gumawa ng paraan ang DOH upang makahanap ng ibang sources nito para sa private hospitals.

Binigyang diin ng Kongresista na kailangan maging handa ang mas maraming pagamutan sa bansa kasaling magkaroon na ng kaso ng Zika virus sa Pilipinas.

Dagdag ni Gatchalian, mainam nang maibsan ang takot ng publiko kapag nalaman nilang preparado ang bansa laban sa naturang virus.

Nauna nang inanunsyo ni Health Secretary Janette Garin na mayroon lamang isang libong testing kits sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.

Ang Zika virus ay ini-uugnay mga kaso ng severe birth defects sa mga sanggol sa Brazil, at sinasabing kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

TAGS: Zika virus testing kits, Zika virus testing kits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.