16 na establisyimento sa Baguio City ipinasara ng lokal na pamahalaan

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2020 - 10:41 AM

Isinilbi ng mga tauhan ng Permits and Licensing Division and Public Order and Safety Division ng City Mayor’s Office sa Baguio ang closure order laban sa labinganim na mga establisyimento sa lungsod.

Nilagdaan ni Mayor Benjamin Magalong ang closure orders para sa 13 kainan at bars sa dahil sa paglabag sa Tax Ordinance 2000-001 ng lungsod,

Kabilang sa nilabag ng mga estabilisyimento ang pagbebenta ng alak na bawal kung ang tindahan ay nasa loob ng city market area.

Kabilang din sa ipinasara ang isang sari-sari store, isang lumpia manufacturer at isang bingo stall na pawang walang business permit.

Isa pang binggo stall ang naisyuhan din ng notice of violation at maari ding maipasara.

TAGS: baguio city, closure order, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, closure order, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.