Muntinlupa City nagdaos ng R-18 Program para sa mga kabataan
Sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas, idinaos ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa ang R-18 Program.
“Ang R-18 Fair 18 Ka Na? Responsable Ka Na?” ay idinaos sa Muntinlupa City Sports Complex at dinaluhan ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Jaime Fresnedi.
Layon ng programa na maipaintindi sa mga kabataan ng lungsod na may edad 18 pataas ang kanilang mga karapatan at responsibilidad.
Unang ipinasa ng city council ang City Ordinance 19-038 na nagtatakda sa buwan ng Pebrero kada taon bilang ‘Responsible 18 month.’
Sinabi ni Fresnedi na dapat malaman din ng mga kabataan ang mga maari nilang maimbag sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Sa unang bahagi ng programa ay nagkaroon ng mga seminar para sa daan-daang estudyante na dumalo ukol sa career, mental health awareness, gender and development at responsableng paggamit ng social media.
Sa ikalawang bahagi ay naghandog kasiyahan naman ang G-Force dance group, December Avenue at si Top Suzara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.