Dating empleyado ng LTFRB, timbog sa robbery extortion

By Chona Yu February 04, 2016 - 04:36 PM

arrestedNaaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang dating empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa kasong robbery extortion.

Nakilala ang suspek na si Alvin Rafael Acaoili.

Inaresto ng NBI si Acaoili dahil sa reklamo ng biktima na si Dionisio Alonzo sa Pala Pala, Dasmariñas Cavite.

Nabatid na kahit nasibak na sa puwesto sa LTFRB noong June 2015, patuloy pa itong naghahanap ng mga kliyente para sa prangkisa.

Ayon kay Alonzo, hiningan siya ni Acaoili ng isang milyong piso para sa prangkisa ng kanyang mga bus.

Gayunman nabigo si Acaoili na ibigay ang kanyang prangkisa.

Dahil dito nakipag ugnayan na si Alonzo sa NBI para magsagawa ng entrapment operation.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa NBI at nahaharap sa kasong robbery extortion.

TAGS: robbery extortion, robbery extortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.