Palasyo, nabahala sa ulat na nakapasok na ang mga Chinese na sundalo sa Pilipinas

By Chona Yu March 05, 2020 - 06:22 PM

Nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa ulat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na 3,000 Chinese na sundalo na miyembro ng People’s Liberation Army ang nakapasok na sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, biniberipika na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Panelo na anumang usapin na nakaapekto sa national interest at national security ay sadyang nakaaalarma.

“Of course, that goes without saying. All we can say is we in the government is always concerned in any issue affecting the national interest and national security,” ani Panelo.

Pero sa ngayon, puro espekulasyon pa lamang ang mga pahayag ni Lacson.

Wala pa naman aniyang naibibigay na ulat sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon na nakapasok na ang mga Chinese na sundalo sa Pilipinas.

“If that is validated, then we will make our appropriate response. Until such time, it’s just speculation,” dagdag pa nito.

TAGS: AFP, Palasyo ng Malakanyang, People’s Liberation Army, Sec. Salvador Panelo, Sen. Panfilo Lacson, AFP, Palasyo ng Malakanyang, People’s Liberation Army, Sec. Salvador Panelo, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.