Panukala para magkaroon ng Department of OFW, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon March 05, 2020 - 04:00 PM

INQUIRER FILE

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala para bumuo ng Department of Filipino Overseas and Foreign Workers (DFOFW).

Sa ilalim ng panukala, magiging sakop ng kagawaran ang mga OFW na nasa abroad, OFW na nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW at lahat ng Filipinong nasa iba’t ibang bansa.

Ang kasalukuyang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang magiging central body ng departamento bilang ito ang mayroon nang expertise at mga tao habang magiging attached agencies naman ang Commission on Filipino Overseas at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Layunin ng panukala na magkaroon na ng ahensya na tutugon sa lahat ng problema at pangangailangan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Tinatayang P5 bilyon ang kakailanganing pondo para sa bagong departamento na huhugutin naman mula sa kasalukuyang budget ng mga ahensya na mapapasailalim sa DFOFW.

TAGS: 18th congress, Department of Filipino Overseas and Foreign Workers, DFOFW, ofw, OWWA, POEA, 18th congress, Department of Filipino Overseas and Foreign Workers, DFOFW, ofw, OWWA, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.