PECO nagpatawag ng press conference sa kabila ng gag order ng Korte
Sa kabila ng umiiral na gag order mula sa korte, nagpatawag pa ng isang press conference ang Panay Electric Co. (PECO) kung saan tahasan nitong kinondena muli ang kalabang More Electric and Power Corp. (More Power).
Upang mailayo na sa media ang usapin ng PECO at More Power, ang dalawang kontrobersiyal na power firm sa Iloilo City, isang gag order ang ipinalabas ni loilo City RTC Judge Emerald Requina-Contreras, nakasaad sa dalawang pahinang kautusan na bawal na makilahok sa anumang black propaganda ang magkabilang panig habang nakabinbin sa korte ang kanilang kaso.
Kahapon ay isang media event muli ang ipinatawag ng PECO kung saan humarap sa dalawang oras na pressconference na idinaos sa Intramuros Manila si PECO lawyer Estrella Elamparo.
Sa tanong kung bakit nagpatawag sila ng press conference sa kabila ng nalalaman ng kampo ng PECO ang gag order, sinabi ni Elamparo na maging sila ay nalilito at sinabing lahat naman ng kanilang alegasyon ay nasa ‘public record’.0
“Nalilito kami ngayon (We are confused), we are not saying anything extraneous. Lahat narrated in our pleadings. These allegations are a matter of public record. We’re not trying to influence the court but correcting the matter,” paliwanag ni Elamparo.
Dati pa mayroong umiiral na gag order sa pagitan ng dalawang power utility company subalit muli itong inulit ni Contreras sa ipinalabas na oder noong Marso 2,2020 matapos na rin ang pagbibigay ng mga malisyosong pahayag sa media ni Elamparo gaya ng pagaakusa nito na nakipagkita si More Power Owner Enrique Razon sa isang RTC judge.
Sinabi ng korte na hindi nila palalampasin ang ginagawa ni Elamparo at hindi kukunsintihin ang paguugali ng ilang mga counsel na kung ano ano an sinasabi kapag ang desisyon sa kaso ng kanilang kliyente ay hindi pumapanig sa kanila, nanindigan ang korte na may karampatang aksyon na gagawin ang korte sa naging pag aasal ni Elamparo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.