PNP Chief Gamboa nailipat na sa St. Luke’s Global City; 8 lahat ang lulan ng chopper ayon sa PNP

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2020 - 10:51 AM

Nadala na sa St. Luke’s Global City sa Taguig City si PNP chief General Archie Gamboa makaraang masugatan nang bumagsak ang sinasakyang helicopter sa San Pedro, Laguna.

Alas 10:15 ng umaga kanina nang mailipat sa St. Luke’s BGC si Gamboa mula sa Westlake Medical Center kung saan siya unang isinugod kasama ang iba pang sakay ng chopper.

Maliban kay Gamboa, nailabas na rin ng Westlake Medical Center si PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac para ilipat sa ibang ospital.

Dalawang iba pang nasugatan sa chopper crash ang inilipat na rin sa ibang pagamutan.

Samantala nilinaw naman ng PNP na walo ang sakay ng chopper at hindi anim o pito gaya ng unang napaulat.

Kabilang sa mga lulan ng choper sina Gamboa, Banac, PNP Comptrollership chief Major General Jovic

Ramos, Major General Mariel Magaway, ang piloto ng chopper na si Lt. Col. Zalazar; co-pilot na si Lt. Col. Macawili, Senior Master Sergeant Estona – crew ng chopper at si Police Capt. Gayrama ang aide de camp ng PNP Chief.

Isang prayer vigil ang nakatakdang pangunahan ng number 2 man ng PNP na si Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan sa St. Joseph Chapel sa Camp Crame ngayong araw para ipanalangin ang recovery ng walo.

TAGS: chopper crash, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, pnp chief gamboa, Radyo Inquirer, San Pedro, Tagalog breaking news, tagalog news website, chopper crash, Inquirer News, laguna, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, pnp chief gamboa, Radyo Inquirer, San Pedro, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.